Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan…..
Kapag dala ng kalabuan ng aking mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan,
Kapag dala ng kalabuan ng aking mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan,
huwag mo sana akong kagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagseself-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko, at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
Kapag mahina na ang tenga ko, at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge”.
Paki-ulit na lang ang sinasabi mo o paki-sulat na lang.
Pasensiya ka na anak, matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko,
Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensiyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Pagpasensiyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo, anak, noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo paulit-ulit mo iyong sasabihin.
Maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda. Amoy lupa.
Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda. Amoy lupa.
Huwag mo sana akong pilitin maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan.
Huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo ba noong bata ka pa?
Pinagtitiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensiyahan mo na sana kung madalas ako’y nagiging masungit.
Pagpasensiyahan mo na sana kung madalas ako’y nagiging masungit.
Dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo. Kahit sandali lang.
Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo. Kahit sandali lang.
Inip na inip na ako sa bahay. Maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo, anak, noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong mga laruan.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan.
Pagtiyagaan mo na sana akong alagaan sa mga huling sandali nga aking buhay. Tutal, hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag nakaharap ko na ang DIYOS na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana… dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.
At huwag kang mag-alala, kapag nakaharap ko na ang DIYOS na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana… dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.