Wednesday, January 12, 2011

From "The Baker King" Episode-- 1/11/11

Lola: Nagagalit ka ba sa kaparusahang natanggap mo para sa bagay na di  mo ginawa?
Marami pang ganitong pangyayari ang darating.
Aakusahan ka ng ibang tao para sa kasalanan na alam mo sa iyong puso na di mo naman ginawa... Ang kabutihan mo ay babaluktutin ng kasamaan para lamang udyukan ng kasamaan sa iyong kalooban. Merong mga taong mamahalin ka pero may mga tao na walang gagawin kundi hilahin ka pababa pero pakatatandaan mo walang nalulutas na problema ang galit, yang mga suntok mo'y walang puwang sa kinabukasan, hindi nadadaan sa galit ang lahat. 

Tak gu: Eh ano pong gagawin ko, paano ko po ipagtatanggol ang sarili ko? Hindi ako makapagpigil, ginagawa nya akong sinungaling. 

Lola: Wag mong daanin sa init ng ulo. Tandaan mo, kahit pagbintangan ka o gawan ka ng patibong kung malinis ang iyong konsensya , magiging matatag ka, panindigan mo ang katotohanan, hindi ka dapat mayanig kung nagsasabi ka ng totoo.


Tak gu: Eh talagang hindi naman ako ang kumuha non.


Lola: Oo, naniniwala ako


Tak gu: Kung ganun po pala, bakit ako ang pinarusahan nyo?


Lola: Hindi mo pa rin ba naintindihan? Hindi kita pinaparusahan, ang gusto ko ay turuan ka!


Tak gu: Ganun po?


Lola: Kung kakampihan lang kita, ikaw ang talo. Matuto kang tibayan ang loob mo at kayanin ang mga hamon ng mag isa, dahil sa pamilyang ito -- kelangan mong matutunang maging matatag.
Yan ang tandaan mo, yan ang mga bagay na gusto kong ituro sa'yo. Naintindihan mo?




Watch "The Baker King" weekdays on GMA-7